
Gulong.ph Team Member
5 Signs Na Kailangan Mo Na Magpalit ng Gulong
Lahat tayo guilty minsan sa “Pwede pa ‘yan!” mindset pagdating sa gulong. Pero alam mo ba, ‘yung simpleng pagpapaliban ng tire replacement, puwedeng mauwi sa mas malaking gastos, o mas delikado, aksidente? Kaya kung matagal-tagal na rin ang huling palit ng gulong mo, basahin mo ‘to.
Here are 5 signs na dapat mo nang palitan ang gulong mo bago pa maging problema sa daan.
1. Kalbo o Mababaw na Tread Depth
Ito ang pinaka-common na sign. Kapag halos kita mo na ‘yung ulo ni Rizal sa Piso Test, ibig sabihin worn-out na ang tread. Mahina na ang kapit ng gulong mo sa daan, delikado lalo na kapag umuulan o madulas ang kalsada.

Tire Tip: Gamitin ang Piso Test, ilagay ang ulo ni Rizal sa grooves ng gulong. Kung halos kita na buong ulo, time to replace.
2. May Cracks, Cuts, o Bukol
Tingnan mo rin kung may mga bitak o umbok sa sidewall ng gulong. Karaniwan ‘tong nangyayari kapag madalas sa lubak, curb rash, o tumama sa matalim na bagay. Kapag may bukol, hindi na safe ‘yan kasi posibleng pumutok habang nasa biyahe.

Tire Tip: Kung may visible damage, wag nang patagalin. Mas mura pa magpalit ng isa kaysa buong set kung sumabog sa daan.
3. Uneven Wear
Mapapansin mo minsan, hindi pantay ang kapit ng tread. Ibig sabihin nito may problema sa wheel alignment, tire pressure, o suspension mo.

Tire Tip: Regularly pa-check ang wheel alignment at tire rotation every 10,000 km para pantay ang wear.
4. Matagal Nang Gamit (5+ Years Old)
Kahit mukhang okay pa ang gulong, kung more than 5 years na, mas brittle na ‘yan. Ang goma, tulad ng balat natin, tumatanda rin. Nawawala ang flexibility, at mas madali na siyang mabutas o mapunit.

Tire Tip: Hanapin ang manufacturing date sa sidewall, may “DOT” code. Halimbawa: DOT 2220 means ginawa siya Week 22 ng 2020.
Final Reminder
Ang gulong ang tanging parte ng kotse mo na direktang humahawak sa kalsada. Kaya wag mo nang hintayin pang “sumuko” bago palitan. Ang safety ng pamilya mo sa bawat biyahe, ‘yan ang tunay na investment.
Sa GulongPH, madali na magpalit ng gulong, pumili ka lang ng brand at size online, tapos ipa-install agad sa partner shop na malapit sa’yo.
Inclusions:
✅ Free Installation & Wheel Balancing
✅ 1-Year Free Tire Protection (Gulong Guarantee)
✅ Flexible Payment Options (GCash, Card, Cash)
✅ Nationwide Delivery
Time to replace your tires?
Huwag nang hintayin pang mapako o ma-flat sa daan. Check your tires today.