
Gulong.ph Team Member
Confused Kung Anong Tire ang Best sa SUV Mo?
Bakit Mahalaga Ang Pagpili ng Tamang Tire Type?
Marami pa rin ang namimili ng gulong base lang sa itsura ng tread. Pero sa totoo lang, ang tamang tire dapat ay naka-base sa paano at saan ka madalas magmaneho.
Kung mostly city driving ka, sayang ang MT (Mud-Terrain) dahil designed iyon para sa bundok at maputik na daan. Pero kung adventurous ka at mahilig sa trail, kulang naman ang AT (All-Terrain) para sa’yo.
Sabi nga ng mga car experts, ang tire mo ay extension ng iyong driving personality. Kaya kung gusto mong safe, matipid, at swak sa budget, dapat alam mo kung ano’ng klaseng biyahe ang madalas ginagawa mo.
All-Terrain (AT): The Everyday Hero Tire
Kung Monday to Friday ay city driving ka lang, tapos weekend mo ay Tagaytay o Baguio road trips, AT Tires ang bagay sa’yo. Tahimik sa highway, smooth ride, pero may sapat na kapit kapag medyo off-road.
Pero bakit nga ba ganon?
Structural Reason:
All-Terrain tires use smaller tread blocks with tighter spacing, kaya mas konti ang “air gaps” na nagpo-produce ng ingay habang umiikot. Less air vibration = mas tahimik.
Material Composition
Mas malambot ang rubber compound kumpara sa MT tires. This flexibility absorbs vibration, giving a smoother ride sa asphalt at concrete roads.
Tread Design
May multi-directional sipes (mga maliliit na hiwa sa tread) na nagbibigay ng extra traction sa basang daan at light gravel.
Kaya kahit umulan o medyo madulas ang daan, may kapit pa rin. Kaya kung madalas ka sa city at paminsan-minsan ay mag-long drive, ito na ang pinaka-praktikal na option mo.
Best Picks From GulongPH:
Michelin LTX Trail – premium AT tire known for quiet comfort and long life
Apollo Apterra AT2 – budget-friendly, good grip on both city and provincial roads
Mud-Terrain (MT): The Beast Mode Tire
Kung ikaw ay mahilig mag-trail, umaakyat sa bundok, o tumatakbo sa loose gravel, MT tires ang warrior mo. Matibay, makapal, at may solid grip kahit sa malalalim na putik.
Pero bakit “maingay” at “matigas” ito sa highway?
Tire Structure:
MT tires have large, deep tread blocks with wide gaps in between — ito ang tinatawag na “void ratio.”
Ang wide spacing na ito ay tumutulong para maitulak palabas ang putik o bato (self-cleaning feature), pero dahil mas maraming hangin ang dumadaan, nagkakaroon ng tire hum o vibration noise sa highway.
Reinforced Build:
Mas makapal ang sidewalls para hindi madaling masugatan ng bato o matulis na debris.
Ang result: sobrang tibay — pero medyo mas matigas ang ride kasi hindi masyadong nag-aabsorb ng shock.
Tread Compound:
Mas hard rubber compound din ito para mas hindi madaling mapunit, pero ito rin ang dahilan bakit medyo mas maingay at mas mabilis uminit sa matagal na biyahe sa aspalto.
Best Picks From GulongPH:
BFGoodrich KO3 – legendary off-road performance, thick sidewalls, self-cleaning tread
Yokohama Geolandar M/T G003 – deep lug pattern, high durability on rocky terrain
Rugged-Terrain (RT): The Hybrid Tire
Para sa mga driver na gusto ng comfort sa weekdays at adventure sa weekends, RT tires ang “best of both worlds.” Tahimik sa highway, pero may tibay ng MT kapag rough road.
Tire Construction:
RT tires combine dual-layer rubber compound — softer sa ibabaw for comfort, harder sa loob for strength.
Kaya may cushioned ride ka pa rin kahit may bumps o lubak.
Tread Pattern:
Mas malalim pa rin kaysa AT, pero hindi kasing-lalim ng MT.
Ito ang dahilan kung bakit hindi kasing ingay ng MT pero may sapat na bite sa loose gravel, sand, at light mud.
Sidewall Design:
May reinforced shoulders (yung gilid ng tire) para sa added durability, pero mas manipis nang kaunti kaysa sa MT — giving a more flexible, “ride-friendly” feel.
Best Picks From GulongPH:
Cooper Rugged Trek – tahimik sa highway, impressive grip off-road
Toyo Open Country RT – stylish hybrid design, perfect for mixed terrain
Tire Buying Tips
1. Check Your Tire Size and Load Rating – Makikita sa sidewall (hal. 265/60R18). Dapat tugma sa specs ng kotse mo.
2. Mind the Manufacturing Date – Piliin ang tire na hindi lalampas sa 2 years old para sigurado sa freshness ng rubber.
3. Check the Warranty and After-Sales Support - Sa GulongPH, meron kang Full Manufacturer Warranty at 1-Year Gulong Guarantee (covering accidental tire damage).
4. Regular Maintenance - Tire rotation every 8,000–10,000 km, alignment check, at monthly tire pressure monitoring — ito ang sikreto para tumagal ang gulong mo.
Hindi lang basta “maganda sa tingin” ang basehan ng gulong.
Ang tunay na sulit tire ay yung bagay sa driving style mo, sa budget mo, at sa daang tinatahak mo araw-araw.
Safe, smooth, at sulit na biyahe.
Basta gulong, GulongPH na ‘yan. Moving you forward.