
Gulong.ph Team Member
Luma na ba ang Gulong Mo? Paano Mo Malalaman Kung Delikado na Ito sa Biyahe
Bakit Delikado Magmaneho Kapag Luma na ang Gulong Mo
Marami sa ating Pinoy drivers ang guilty dito. Hangga’t hindi flat at hindi punit ang gulong, feeling natin ok pa. Pero hindi ganun kasimple.
Ang gulong may tamang edad, may tamang kapal, at may tamang flexibility. Kapag lumampas na dito, kahit mukhang buo pa, delikado na siyang gamitin sa ulan, highway, at long drives.
Kung araw-araw mong dala ang kotse sa office, paakyat ng Baguio, o papuntang Tagaytay weekends, mahalagang alam mo kung luma na ba talaga ang gulong mo.
1. May expiration ang gulong kahit hindi pa pudpod
Marami sa atin ang nag-a-assume na okay pa ang gulong basta hindi punit o flat. Pero alam mo ba na may expiration din ang gulong?
Karaniwan, 5 to 6 years ang maximum lifespan ng mga tires, kahit hindi madalas gamitin. After that, nagsisimula nang tumigas ang rubber at nagkakaroon ng micro-cracks.
Kapag ganito na, hindi na siya kapit sa kalsada. Ibig sabihin, kahit mukhang buo pa, bawas na ang grip. At kapag umulan? Mas madali kang mag-skid o mag-hydroplane.
2. Treadwear: Bumababa ang traction lalo na sa basang kalsada
Ang tread ng gulong ang nagbibigay ng kapit. Pero habang tumatagal, numinipis ‘to dahil sa normal na paggamit. Kapag mababaw na ang tread, hindi na nito nailalabas ang tubig sa ilalim ng gulong — kaya nagiging madulas.
Kapag mababaw na ang tread:
- mas madulas na ang kotse sa ulan
- mas mataas ang chance mag-hydroplane
- mas mahaba ang stopping distance
- mas delikado sa emergency brake
Tipid tip: Subukan mo ang “Piso Test.” Ipasok mo ang ulo ni Rizal sa groove ng gulong. Kung halos kita na ang buong ulo niya, palitan na ‘yan!
Kasi kapag walang tread, wala kang grip. At kapag walang grip, wala kang safety sa kalsada.
3. Mas mataas ang chance ng blowout o flat tire
Luma na nga, pudpod pa, perfect combo para sa tire blowout. Lalo na kung mainit ang panahon o mabilis kang tumatakbo sa expressway tulad ng SLEX o NLEX.
Ang lumang goma ay madaling uminit at pumutok dahil mahina na ang structural integrity. Isang flat lang sa gitna ng biyahe, at delikado ‘yun lalo na kung may sakay kang pamilya.
4. Hindi sulit ang “pwede pa yan” mindset
Common ‘to sa mga Pinoy drivers, “Sayang pa, kaya pa ‘yan.”
Pero isipin mo: kung magtitipid ka ngayon, mas malaki ang gastos kapag nagka-aksidente o na-flat sa highway.
Minsan, ‘yung ₱2,000–₱3,000 na iniwasan mong gastusin sa bagong gulong, mapapalitan ng towing fee, delay, at stress.
5. Cracks and dryness
Silipin mo minsan ang gilid ng gulong. May napapansin ka bang maliliit na bitak?
Ito yung tinatawag na dry rot, o simpleng pagtanda at pagkatuyo ng rubber.
Common signs na tumatanda na ang goma:
- may hairline cracks sa sidewall
- makintab pero matigas ang surface
- parang plastic ang texture kapag hinawakan
- mas maingay at magaspang ang takbo
Kapag ganyan na ang itsura, ibig sabihin hindi na flexible ang rubber.
Mas madali itong mabutas, mapunit, o biglang pumutok lalo na kapag mabilis ang takbo, mainit ang araw, o mabigat ang sakay.
Mas okay nang magpalit bago pa magka-disgrasya kaysa padalos-dalos sa luma at tuyot na gulong.
Safe driving starts with the right tires
Kung gusto mong iwas-hassle at iwas-disgrasya, simple lang ang solusyon:
✅ Regularly check tire pressure, tread depth, at tire age.
✅ Inspect for cracks or uneven wear every few months.
✅ Palitan agad kapag more than 5 years na o kapag hindi na pumapasa sa piso test.
At kung bibili ka ng bago, dito ka na sa trusted online tire shop.
Sa GulongPH, makakahanap ka ng quality brands tulad ng Michelin, Cooper, at Apollo.
Lahat may FREE installation, full manufacturer warranty, at 1-Year Gulong Guarantee (covered ka kahit mapako, mapunit, o mabutas.)
Expired na ba ang gulong mo pero di ka sure?
Mas mabuting i-check ngayon kaysa manghinayang sa biyahe. Shop trusted tire brands online at GulongPH, your hassle-free, safe, and trusted tire shop in the Philippines.