
Gulong.ph Team Member
Paano Magpalit ng Gulong? Step-by-Step Tire Change Guide for Pinoy Drivers
Na-flat ka ba sa gitna ng EDSA o somewhere sa SLEX papuntang Tagaytay?
Lahat tayo, kahit gaano ka-ingat, pwedeng ma-flat. Pero ang tanong, marunong ka bang magpalit ng gulong?
Kung hindi ka pa sure, don’t worry! This guide will help you learn how to change your tire the right way, with Pinoy practicality in mind. Let’s go step-by-step para next time mangyari ‘to, confident ka na agad!
1. Safety First — Huwag Basta-Basta Bumaba!
Before anything else, humanap ng safe na spot.
Kung nasa kalsada ka, make sure to pull over sa shoulder area or lay-by. I-turn on agad ang hazard lights para makita ka ng ibang drivers.
Kung meron kang early warning device (EWD) — yung red triangle — ilagay ito around 5 meters sa likod ng kotse.
2. Ihanda ang Tools at Spare Tire
Kailangan mo ng mga basic tools na kadalasang kasama ng kotse mo:
Spare tire
Car jack
Lug wrench / tire iron
Wheel chocks (optional pero helpful for safety)
Manual (lalo kung first time mo palang)
Kung SUV or pickup ka (like Fortuner, Montero, or Ranger), medyo mas mabigat ang gulong — so make sure naka-park sa flat and stable ground para hindi gumalaw ang kotse habang nagja-jack up.
3. Loosen the Lug Nuts
Ito ang common mistake ng marami, dapat luwagan muna ang lug nuts habang nasa lupa pa ang gulong para hindi ito umiikot.
Gamitin ang lug wrench at i-turn counterclockwise. Minsan matigas, so you can use your foot for leverage. Kapag naluwagan mo na silang lahat, huwag mo muna tanggalin totally.
4. Jack Up the Vehicle
Hanapin ang jack point sa ilalim ng kotse (usually may marker ito sa ilalim ng doors).
Gamitin ang car jack para iangat ang gulong hanggang may space ka na para maalis ito.
5. Remove the Flat Tire & Mount the Spare
Now you can fully remove the lug nuts at alisin ang flat tire.
Itabi mo muna ito sa gilid, then align the spare tire sa mga bolt holes.
Ipasok nang maayos at ibalik ang lug nuts, pero huwag mo muna higpitan ng todo habang nakaangat pa.
Kapag okay na alignment, ibaba muna ang kotse gamit ang jack bago mo i-final tighten ang lug nuts.
Gamitin ang “star pattern” (parang criss-cross tightening) para even ang pressure.
6. Check Air Pressure & Drive Carefully
Pagkatapos maikabit ang spare, check the air pressure kung may portable gauge ka.
Kung wala, dumiretso sa pinakamalapit na gas station at magpa-check.
Kung wala, dumiretso sa pinakamalapit na gas station at magpa-check.Kung wala, dumiretso sa pinakamalapit na gas station at magpa-check.
Remember, kung temporary spare tire (yung “donut” type) ang gamit mo, hindi ito pang-long drive.
Limit to around 80 km/h max speed at magpalit ng regular tire ASAP.
7. Time to Replace That Tire!
Pag naayos mo na at nakarating ka sa safe area, consider getting your damaged tire repaired or replaced.
Pero here’s the truth: minsan hindi na worth ipa-vulcanize kung sidewall ang sira o manipis na ang tread. Mas makakatipid ka sa long run kung palitan mo na agad.
Tire Tip:
Kung 4–5 years old na ang gulong mo o may visible cracks na, time to replace na ‘yan — kahit hindi pa na-flat. Rubber ages too!
Tire Shopping Made Easy with GulongPH
Good news — hindi mo na kailangang mag-ikot pa sa traffic o maghanap pa ng tire shop sa init ng araw!
Sa GulongPH, pwede ka mag-order ng brand-new tires online from trusted brands like Michelin, Apollo, Cooper, Yokohama, at marami pang iba.
Plus:
✅ FREE Installation & Wheel Balancing
✅ Full Manufacturer’s Warranty
✅1-Year Gulong Guarantee for added protection (Michelin, Apollo, Cooper only)
✅ Flexible Payment Options — Cash, Card, or GCash
✅ Nationwide Delivery
Kung gusto mo ng AT (All-Terrain) for your SUV or Runflat tires for your sedan, meron kami niyan — lahat legit at fresh stock!
Final Thoughts
Ang pagpalit ng gulong ay hindi lang dapat alam ng mekaniko — dapat alam din ng bawat driver.
Hindi mo man laging ginagamit ang skill na ‘to, pero once ma-flat ka sa gitna ng daan, malaking bagay na ready ka.
So next time mag-long drive ka, siguraduhin mong:
May spare tire ka na maayos ang hangin
Kumpleto ang tools
At syempre, I-check mo lagi ang kondisyon ng mga gulong mo