
Gulong.ph Team Member
Tama Ba Ang Air Pressure Ng Gulong Mo?
Kailan Ka Huling Nag-Check Ng Tire Pressure Ng Sasakyan Mo?
Kung hindi mo na maalala, don’t worry hindi ka nag-iisa. Maraming bagong car owners sa Pinas ang nalilito kung ano ba talaga ang tamang tire pressure. Pero ang totoo, getting your tire pressure right can save you gas, extend the lifespan of your tires, and keep you safe on the road.
Ano Ang Tire Pressure?
Tire pressure ay ang amount ng hangin sa loob ng gulong. Usually, sinusukat ang tire pressure in PSI (pounds per square inch).
Kapag mali ang pressure:
Underinflated o kulang sa hangin - mabilis mapudpod ang gilid ng gulong, mabigat i-drive, mas mataas sa fuel consumption.
Overinflated o sobra sa hangin - mabilis mapudpod sa gitna, matagtag ang biyahe, at mas prone sa blowout.
Saan Makikita ang Recommended Tire Pressure?
Ang madalas hindi alam ng first-time car owners ay hindi pare-pareho ang tamang PSI ng lahat ng sasakyan.
Best way para malaman ang recommended tire pressure ng kotse mo:
Driver’s side door sticker - Usually may maliit na label sa loob ng driver’s door o sa fuel cap. Nandoon ang recommended PSI (front & rear tires).
Quick Guide for Normal Tire Pressure
- Sedan: 30-32 PSI
- SUVs: 33-35 PSI
- Vans: 35-38 PSI
- Pickup: 35–45 PSI
When and How to Check Your Tire Pressure
Regular checking is key para safe at tipid ang biyahe. Here’s a simple guide for new car owners:
When to Check:
- At least once a month
- Bago ka mag long drive (lalo na out-of-town trips)
- Kapag nagbago ang weather (mainit or maulan, kasi nag-iiba rin ang tire pressure)
How to Check:
- Gumamit ng tire pressure gauge
- Alisin ang valve cap, ikabit ang gauge.
- I-compare ang reading sa recommended PSI ng sasakyan mo (check door sticker/manual).
- Kung kulang → dagdagan sa gas station.
- Kung sobra → bawasan hangin.
Always remember, tamang tire pressure means safe, tipid, and hassle-free driving. Huwag na hintayin na ma-flat bago mag-check.
Next Step?
Check your tire pressure today. Kung unsure ka kung ilang PSI ang bagay sa sasakyan mo, message us at tutulungan ka namin.