
Gulong.ph Team Member
Tire Rotation Guide: Kailan Ka Huling Nag-Rotate ng Gulong?
Alam mo ba… kahit bago pa ang gulong, kung hindi ka nagro-rotate, uneven agad ang pudpod?
Sayang pera, sayang gulong!
Maraming drivers ang hindi aware na ang tire rotation ay kasing importante rin ng pag-change oil. Madalas, iniisip natin na basta bago pa yung gulong, ok na. Pero in reality, kung lagi lang sa harap or likod naka-pwesto yung isang pares, mabilis silang mapudpod nang hindi pantay.
Real Story: Ganito ang Nangyayari Kapag Walang Tire Rotation

Maraming bumibili sa amin, pero may mga bumabalik after 2 years pa lang with the same concern:
“2 years lang, pudpod na agad yung gulong ko!"
Kapag chineck namin, madalas walang factory defect—ang problema, hindi sila nagpa-rotate.
Sa Pilipinas pa naman, araw-araw mong kalaban ang lubak, trapik, at matinding init. Kung isang side lang ang laging gamit ng gulong mo, uneven ang wear at mabilis mauubos ang harap o likod.
Ang ending? Sayang yung buong set, kasi napilitan silang magpalit kahit hindi pa sulit yung lifespan ng gulong.
Ano Ba Ang Tire Rotation?
Simple lang, I-rotate ang pwesto ng gulong every 10,000 km (or depende sa manual ng sasakyan mo).
Ang goal? Even tire wear. Para lahat ng gulong sabay-sabay tumatagal at sabay-sabay mo rin sila napapalitan.
May iba’t ibang patterns ng tire rotation depende sa klase ng sasakyan at gulong:
Rearward Cross – para sa Rear at Four-Wheel Drive Vehicles (front tires ilipat sa likod, rear tires cross papunta sa harap)
X-Pattern – para sa Front-Wheel Drive Vehicles (lahat ng gulong nag-cross ng posisyon)
Forward Cross – para rin sa Front-Wheel Drive Vehicles (rear tires diretso sa harap, front tires cross papunta sa likod)
Front to Rear – para sa same size directional tires (front tires ilipat sa likod, likod lipat sa harap—straight line lang)
Side to Side – para sa differently sized non-directional tires (kaliwa-lipat-kanan, kanan-lipat-kaliwa)

Bakit Kailangan Mag-Rotate ng Tires?
✅ Mas Safe: Pantay ang tread = better braking at mas stable handling
✅ Mas Sulit: Hindi agad ubos yung harap o likod lang
✅ Mas Matipid: Tumagal ang lifespan ng gulong = hindi ka agad gagastos
✅ Mas Smooth: Less vibration at mas tahimik ang ride
Ready For A Fresh Set of Tires?
Your tires are a great investment for your car, they keep you safe on the road. Pero tandaan, kahit gaano ka-premium ang brand mo, kung hindi ka nagro-rotate regularly, mabilis itong mauuwi sa pudpod tires at uneven tire wear.
At kung ready ka na for a fresh set of tires with FREE installation message us today.