
Gulong.ph Team Member
Tire Expiration Guide: Kailan Nage-expire ang Gulong? | Gulong.ph
Maraming drivers ang naniniwalang ang gulong ay nag e-expire lang kapag pudpod na ang tread. Pero sa totoo lang, kahit bihira gamitin ang sasakyan, tumatanda pa rin ang rubber dahil sa init, panahon, at natural na aging ng materials.
Ang pag-alam ng tire expiration ay mahalaga para sa safety at para maiwasan ang blowouts, tire failure, at iba pang aksidente sa kalsada. Sa gabay na ito, matututunan mo kung paano basahin ang DOT code, gaano katagal tumatagal ang gulong, at kailan ito dapat palitan.
Recently, a viral post from Visor PH showed a car stranded on the roadside with a blown-out tire. At first glance, you’d think it was a factory defect, kasi kilala at trusted brand naman ang gulong. Pero nung nalaman ang tunay na dahilan, mas nakakagulat: the tire had been installed since 2003. Dalawang dekada na pala itong ginagamit! Isa itong magandang paalala na kahit mataas ang kalidad ng gulong, aging tires can still become dangerous over time.

Bakit Mahalaga ang Tire Expiration?
Hindi tulad ng pagkain, walang nakalagay na eksaktong expiration date sa gulong. Gayunpaman, ang rubber compound ay unti-unting tumitigas at humihina habang tumatagal, kahit hindi ginagamit ang tire.
Habang tumatanda ang gulong, maaaring:
- Magkaroon ng sidewall cracks
- Bumababa ang tire grip
- Tumaas ang posibilidad ng blowout
- Humina ang braking performance
- Maging mas delikado sa basang kalsada
Dahil dito, mahalagang isaalang-alang hindi lang ang tread depth kundi pati ang edad ng iyong mga gulong.
What is Tire Expiration?
Ang tire expiration ay tumutukoy sa pagtanda ng rubber ng gulong sa paglipas ng panahon. Kahit mukhang bago pa ang tread, maaaring humina na ang internal structure ng tire dahil sa edad nito.
Walang universal expiration date ang mga gulong, ngunit karamihan sa manufacturers ay nagrerekomendang regular na inspeksyunin ang mga tire kapag umabot na sa limang taon at palitan ang mga ito depende sa kondisyon, driving conditions, at rekomendasyon ng manufacturer.
Ano ang Tire Manufacturing Date?
Ang manufacture date o tire manufacturing date ang ginagamit upang malaman ang tunay na edad ng tire. Simula sa araw ng paggawa nito, unti-unti nang tumatanda ang rubber kahit nakaimbak lamang ito.
Paano Malalaman ang Tire Expiration Date?
Ang pinakamadaling paraan ay ang pagtingin sa DOT code na nakalagay sa sidewall ng gulong.
Saan Makikita ang DOT Code?
Hanapin ang salitang DOT sa gilid ng tire. Ang huling apat na numero ang nagsasabi kung kailan ginawa ang gulong.
Halimbawa:
DOT XXXX XXXX 2523
Ang ibig sabihin nito ay:
- 25 = ika-25 linggo
- 23 = taong 2023
Ibig sabihin, ginawa ang tire noong ika-25 linggo ng taong 2023.

Ano ang Tire Manufacturing Date?
Ang manufacturing date ang ginagamit upang malaman ang tunay na edad ng tire. Simula sa araw ng paggawa nito, unti-unti nang tumatanda ang rubber kahit nakaimbak lamang ito.
Gaano Katagal Tumatagal ang Gulong?
Depende ito sa iba't ibang factors tulad ng klima, maintenance, driving habits, at storage conditions.
Bilang general guide:
- Regular na ipa-inspeksyon ang tire simula sa ika-5 taon.
- Maraming manufacturers ang nagrerekomendang palitan ang gulong pagdating ng six years hanggang sampung taon depende sa kondisyon nito.
- Sundin pa rin ang rekomendasyon ng tire manufacturer para sa iyong partikular na tire model.
Hindi rin pare-pareho ang lifespan ng bawat tire dahil nakadepende ito sa paggamit, maintenance, at driving conditions na madalas nitong nararanasan.
Ano ang Nakakaapekto sa Buhay ng Gulong?
Hindi lamang edad ang nakakaapekto sa tire lifespan. Kabilang din dito ang:
Mainit na Klima
Ang init ng panahon sa Pilipinas ay maaaring magpabilis ng pagtanda ng rubber.
Tire Pressure
Ang maling tire pressure ay nagpapabilis ng tire wear at maaaring makasira sa tire structure.
Driving Habits
Ang biglaang pagpreno, mabilis na acceleration, at agresibong pagliko ay maaaring magpabawas ng buhay ng gulong.
Vehicle Load
Ang sobrang bigat ng sasakyan ay naglalagay ng dagdag na pressure sa mga gulong.
Regular na Maintenance
Ang tamang tire rotation, wheel alignment, at balancing ay nakakatulong upang mas tumagal ang buhay ng iyong mga gulong. Kapag napapabayaan ang maintenance, mas mabilis tires lose their flexibility at grip, na maaaring makaapekto sa overall safety ng sasakyan.
Mga Senyales na Dapat Ng Palitan ang Gulong
Hindi kailangan hintayin na maubos ang tread bago magpalit ng tire.
Palitan agad ang gulong kung mayroon itong:
- Sidewall cracks
- Bulges o bubbles
- Hindi pantay na tread wear
- Madalas na pagkawala ng hangin
- Matinding vibration habang umaandar
- Matandang tire na nagpapakita ng signs of aging
Kasama ba ang Spare Tire sa Tire Expiration?
Oo. Kahit bihirang gamitin ang spare tire, tumatanda pa rin ang rubber nito. Kaya mahalagang regular ding suriin ang manufacture date at tire condition ng iyong spare tire upang maging handa ito sa oras ng emergency.
Maraming tao ang nag-aakalang walang epekto ang pagtanda ng unused tires, ngunit kahit hindi ginagamit ang mga ito, unti-unti pa ring humihina ang rubber habang tumatagal.
Paano Pahabain ang Buhay ng Iyong Mga Gulong?
Narito ang ilang simpleng tire maintenance tips:
- Panatilihin ang tamang tire pressure.
- Magpa-tire rotation ayon sa recommended interval.
- Magpa-wheel alignment kung kinakailangan.
- Iwasang ma-overload ang sasakyan.
- Regular na inspeksyunin ang tread at sidewall.
- Itago ang extra tires sa malamig at tuyong lugar kung hindi ginagamit.
Ang regular na maintenance ay nakakatulong hindi lamang sa pagpapahaba ng tire lifespan kundi pati na rin sa mas ligtas at mas komportableng pagmamaneho.
Next Step from Gulong.ph
Kung luma na ang iyong mga gulong o nagpapakita na ng senyales ng tire aging, mas ligtas na itong palitan bago pa magkaroon ng problema sa daan. Maaari kang mag-shop ng tires online sa Gulong.ph at ikumpara ang iba't ibang tire brands at sizes na akma sa iyong sasakyan.
Kung naghahanap ka ng premium comfort, safety, at long-lasting performance, i-explore ang aming selection ng Michelin tires. Para naman sa matibay na all-terrain at off-road performance, tingnan ang aming BFGoodrich tires.
Para mas maintindihan ang tamang pag-aalaga ng iyong mga gulong, maaari mo ring basahin ang aming mga gabay tungkol sa How to Read Tire Size, Tire Pressure Guide, at Types of Tire Rotation. Ang regular na maintenance at tamang kaalaman ay makakatulong upang mapahaba ang buhay ng iyong mga gulong at mapanatiling ligtas ang bawat biyahe.
FAQs (Frequently Asked Questions)
1. Nage-expire ba talaga ang gulong?
Oo. Kahit hindi ginagamit ang gulong, tumatanda pa rin ang rubber nito dahil sa init, panahon, at natural na aging ng materials.
2. Paano ko malalaman kung gaano na katanda ang gulong?
Makikita ito sa DOT code sa sidewall ng tire. Ang huling apat na numero ang nagsasaad ng linggo at taon kung kailan ito ginawa.
3. Gaano katagal tumatagal ang isang gulong?
Depende sa paggamit at maintenance, ngunit maraming manufacturers ang nagrerekomendang regular na inspeksyon simula sa limang taon at replacement sa loob ng anim hanggang sampung taon kung kinakailangan.
4. Safe pa bang gamitin ang gulong na higit sampung taon na?
Hindi ito karaniwang inirerekomenda. Kahit makapal pa ang tread, maaaring humina na ang rubber at internal structure ng tire.
5. Kasama ba ang spare tire sa tire expiration?
Oo. Ang spare tire ay tumatanda rin kahit hindi ito ginagamit kaya dapat din itong regular na inspeksyunin.